Ako’y nagagalak sa pagkapanalo ni Paquiao sa isa nanamang laban nya na kung saan ang kanyang katunggali ay si Ricky Hatton. Simula pa man sa umpisa iniidolo ko na si Pacman dahil sa kanyang angking galing at lakas. Isipin mo na lang magagaling at malalakas din ang kanyang mga nagiging kalaban, ngunit, subalit, datapwat, mas magaling pa pala sya sa mga to. Nakakabighani ang tinaguriang “Pacman” ng Pilipinas dahil ni minsan wala pa man na nakakatalo sa kanya.
Pero kung ako ang tatanungin, buti nga sa kanila na natalo sila ni Paquiao, dahil sa kanilang mga nilalabas na kayabangan bago ang laban, hmp! Di nakuha rin nila ang hinahanap nila. Yan ang tinatawag na “karma.” (digital pa naman ngayon). Hahaha. Kung mapapansin nating lahat si pacman sa kanyang mga interview, likas na simple at mapakumbabang pagkatao lamang ang kanyang pinapakita kumpara sa kabilang kampo na kung hamunin sya sa laban ay parang wala ng bukas. Kataka-taka ang lakas at galing na binitawan nya sa bawat suntok lalo na ng talunin nya si Hatton sa pangalawang round ng kanilang laban. Ni hindi man lang si pacman pinawisan at napagod ng husto. Mas mahaba pa yata ang oras ng kanyang ehersisyo at mas pinawisan pa yata sya don kesa sa naging laban nya. At dahil sa kanyang pagkapanalo, karapat dapat lang naman talaga syang bigyan ng matinding karangalan. At isipin nyo na lang, di lang likas na Filipino ang mga humahanga sa kanya pati na rin mga banyaga na nakakakilala sa kanya.
Hmmm… kelan ko kaya makikilala ang pacman na to? Pagnagkataon, magpapa picture ako kasama sya at ipagmamalaki ko to ng todo. Oist! Si Pacman yata yon! Hahahha!
Sa katunayan, nakipag pusta pa ako sa kasama ko sa trabaho, at di nga ako nabigo, nanalo ang manok ko. Este, “pacman” ko pala, hehehehe….
Para sa ini-idolo at hinahangaan ng lahat, ang maikling artikulo na to ay inaalay ko “PARA SAYO”, bilib ako sa kakayahan mo at saludo ako. Saan man ako mapadpad ipagmamalaki kita, dahil sa puso’t isipan alam kong “FILIPINO ANG LAHI KO.”
“see how prayers works on Pacman’s lives.”
No comments:
Post a Comment